Friday, March 11, 2011

Ka-TG!

Share
Ka-TG!

Once upon a time, kami lang dalawa,
Sila lang lima, at may ibang grupo pa.
Dahil parehong makakati ang mga paa,
Nagkatagpo-tagpo sa mga rampa at gala.

Kanya-kanyang mga ugali,
Ibat-iba ring mga uri.
Sa maniwala ka man o hindi,
May naliligaw ding iba ang lahi.

Kung hanap mo’y tawanan,
Tropang-Gala ang tamang samahan.
Kung ang bawat isa’y iyong igagalang,
Ka-TG ka… ikaw ay welcome!

Edad mo’y di papansinin,
Ang layo mo’y di suliranin,
Basta “party” ang nanguna sa isip natin,
Ano mang balakid, ating susuungin.

Iba ang tawag sa kanya at sayo,
Iba rin ang lingguwahe namin sa inyo.
Minsan ay may away at tampo,
Pero dahil dito, tumitibay tayo…

No comments:

Post a Comment

Banat na!