Friday, February 26, 2010

Bungi

Share
Bungi

Hirap ka bang ngumiti,
Dahil bilang ng ipin mo'y kakalahati?
Pigil ba ang iyong bungisngis, at sa bawat tawa mo'y palad ang nakatakip?

Kung walang duda kang positibo rito
Bungi ka nga aking katoto
One-sit-apart ang kanilang pagitan
Animoy may board exam
Kung panuto ay: fill in the blanks
Maaaring nasa ref ang kasagutan

Gilagid mo man ang manguna
Itawa mo lang ang saya't tuwa
Kung libangan mo'y ngumata ng mais
Sa gawaing ito, ikaw na'y lumihis
Kung may habag ka pang nalalabi
Sa mga ipin mong matatag pang tumitirik.

No comments:

Post a Comment

Banat na!