AYOKO NA!
Lumabis na ako sa hangganan
Sa bahaging ito, dapat iba naman
Aninag na sa mukha ko ang pagkasawa
Ang mga ginagawa'y di na rin makapagkaila
Nakaaanyaya pa sa bungad
Sa unang subok ay nakagagalak
Sa kasabikan, binuhos ko ang lahat
Hanggang sa sukdulan ako ay sumagad
Nilalamon nito ang oras ko
Milya na tuloy ang agwat sa plano
Ayoko na! Tutuldukan ko na!
Ngunit ang palaisipan, "Ito kaya ang tama?"
Lumabis na ako sa hangganan
Sa bahaging ito, dapat iba naman
Aninag na sa mukha ko ang pagkasawa
Ang mga ginagawa'y di na rin makapagkaila
Nakaaanyaya pa sa bungad
Sa unang subok ay nakagagalak
Sa kasabikan, binuhos ko ang lahat
Hanggang sa sukdulan ako ay sumagad
Nilalamon nito ang oras ko
Milya na tuloy ang agwat sa plano
Ayoko na! Tutuldukan ko na!
Ngunit ang palaisipan, "Ito kaya ang tama?"
No comments:
Post a Comment
Banat na!