Nag-level up ka na
Nag-level down ka pa
Kung di ka ba naman shonga
Laman-tiyan na namging bato pa
Ganap ka ngang pinagpala
Nang kapalpakang bonggang-bongga
Next time na mag-booking ka
Siksikin mo ng pera ang ‘yong bulsa
Tiyakin mo ang ginhawa
Pagtalab ng gayuma-de-pitaka
Husayan mo ang paghithit-buga
Upang ang puting bato ay malulon mo na
Kung mukha mo’t talampaka’y magsinsagwa
Makabingwit ng papa ay bihira
Paghagilap kay true-love ay parusa
Liban na lang kung de-katarata ang nabiktima
No comments:
Post a Comment
Banat na!