*
Mahirap man sa tahanang barong-barong
O sagana at nananahan sa mansyon
Pantay lang yan sa mata ng delubyo
Lulubog, babaon, kung yan ang palad mo
*
Inanod na ang mga pundar
Tangay pa pati mga pangarap
Ang mga mahal ay dina umahon
Tatag nalang ang dasal para sa hamon
*
Masakit mang magpasalamat sa sagip na buhay
Iisipin nalang na may naghihintay
Basing-sisiw man at ginaw sa bagyo
Darating din ang init na yayakap sayo…
No comments:
Post a Comment
Banat na!